HALALAN 2018 | COMELEC, 80% na handa sa Barangay at SK election

Manila, Philippines – Handang-handa na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Mayo 2018.

Ayon kay Director Teofisto Elnas, nasa 80% na ang kanilang kahandaan sa nalalapit na Barangay at SK election.

Aniya, halos lahat ng balota at election returns ay nakahanda na at nagsimula na rin silang mamahagi ng mga non-accountable forms.


Bumubuo na rin sila ng barangay board of tellers at board of canvassers na mangangasiwa ng halalan gayundin ang pagsasaayos sa ibabayad sa electoral boards at paghahanda sa security operation.

Sinabi pa ni Elnas, na kung ililipat sa late date ang dalawang halalan, maaapektuhan ang kanilang preparasyon para sa 2019 midterm election dahil magkakahalo-halo ang kanilang timeline.

Mahirap na pagsabayin ang dalawang halalan dahil magkaiba ang konsepto ng mga halalang ito kung saan ang national at local elections sa 2019 midterm election ay automated habang mano mano naman ang Barangay at SK election.

Facebook Comments