HALALAN | 2018 U.S. Midterm elections, umarangkada na!

Nagsimula na ang botohan para sa 2018 Midterm elections sa Estados Unidos.

Ang mga botante ay kinakailangang mag-cast ng balota para sa 435 miyembro ng kanilang Kamara de representante, 35 mula sa 100 posisyon sa Senado at 36 mula sa 50 state governors.

Para magdomina ang democrats sa U.S. Congress, kinakailangang mawala sa pwesto ang nasa 23 republicans sa house at dalawa sa senate.


Hindi rin naging maganda ang election campaign dahil sa mga naglipanang attack advertisements at race-betting allegations.

Nakatakdang magtapos ang first poll alas-6:00 ng gabi Eastern Time o alas-7:00 ngayong umaga (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments