HALALAN 2019 | Senator Gatchalian, umapela sa publiko na huwag iboto ang mga kandidato sa Barangay elections na sangkot sa iligal na droga

Manila, Philippines – Ngayong matutuloy na ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa Mayo ay pinayuhan ni Senator Win Gatchalian ang mga botante na pumili ng karapat-dapat na kandidato.

Ang eleksyon ang nakikitang paraan ni gatchalian para mabura na sa pwesto ang mga barangay kapitan at iba pang opisyal na umano’y sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Dismayado si Gatchalian dahil sa loob ng mahabang panahon na naipagpaliban ang barangay elections ay walang nakasuhan ang dept of interior and local government na mga opsiyal nitong sangkot sa ilegal na droga.


Mukha aniyang hindi nagagawa ng dilg ang kanilang pinangako na kakasuhan ang mga dapat makasuhan.

Facebook Comments