Manila, Philippines – All set na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa simultaneous Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14.
Ito ang sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa harap ng mga estudyante ng isang kolehiyo sa Talisay City, Negros Occidental.
Pero inihayag din ni Guanzon na kung ipag-uutos muli ng kongreso na ipagpaliban ito, wala silang magagawa.
Umaasa ang commissioner na hindi na mauurong ang halalan dahil hindi pa naman handa para sa plebisito ang panukalang Charter Change.
Tiniyak din ng poll body na hindi nila pagtatakpan ang mga empleyadong posibleng dawit sa umano’y dayaan noong 2016 elections.
<#m_-8844498126920728536_m_-7304746721702041166_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments