Manila, Philippines – Nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng araw para maihanay ang mga partylist groups na ilalagay sa official ballot na gagamitin sa 2019 Elections.
Gagawin ang raffle sa December 5, 2018, alas-10:00 ng umaga sa 8th floor Palacio del Gobernador, Intramuros, Manila.
Ito ay upang magkaroon ng arrangement ang mga partylist groups na batay sa electronic draw at hindi sa pamamagitan lang ng alphabet o numbers.
Nabatid kasi na karamihan sa grupo ay sadyang naglagay ng one (1) sa unahan ng partylist name, habang ang iba naman ay “A” ang unang letra sa pangalan.
Isasama rin sa raffle ang mga partylist na may kaso o reklamo sa accreditation pero kailangan na nakakuha ang mga ito ng status quo ante order mula sa Supreme Court (SC).
Ang wala namang dadalong kinatawan at walang letter of authority ay hindi na kasali sa proseso.