Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na walang makakapandaya sa 2019 Midterm elections.
Nanindigan din ang poll body na ang tatlong taong paggamit ng automated election system (AES) ay napatunayang epektibo sa pagpapanatili ng matiwasay na halalan.
Siniguro rin ng Comelec na magiging tama ang magiging pagbilang ng PCOS machine sa boto ng publiko dahil walang pang pagkakataon na nagamit ang mga makinarya sa pandaraya ng mga kandidato.
Sa huli, pagtitiyak ng poll body na mananaig ang boses ng publiko at magiging patas ang pagbibilang sa mga boto sa ilalim ng AES.
Facebook Comments