HALALAN | Con-Com, aminadong hindi rin nila matiyak kung matutuloy ang 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Maging ang Consultative Committee (Con-Com) ay hindi matiyak kung matutuloy ba o hindi ang eleksyon sa 2019.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mas gusto niyang matapos muna ang ChaCha at huwag munang magkaroon ng eleksyon upang hindi maging bara-bara ang pagkakapasa nito.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Con-Com Spokesman Ding Generoso, bagamat may schedule naman talaga ang 2019 election, hindi naman matiyak kung matutuloy ba ito.


Una nang iginiit ni Senate President Tito Sotto na kinakailangan pa munang amyendahan ng Kongreso ang 1987 constitution para lang gawing posible ang iminumungkahi ni Alvarez.

Sa ilalim ng Article 6, Section 8 ng 1987 Constitution, dapat idaos ang regular na halalan ng mga senador at kongresista tuwing ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo.

Kahapon ay naisumite na sa Kamara ng initial draft ng federal charter na binalangkas ng Consultative Committee (Con-Com) at inaasahang tatalayakin sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Facebook Comments