Manila, Philippines – Pumalo sa 105 ang bilang ng mga personalidad na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sumabak sa senatorial race.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dadaan pa naman sa screening ang mga ito at hindi lahat matatanggap bilang official candidates.
Aniya, kung papayagan ang bawat maghahain ng COC baka humaba naman nang husto ang balotang gagamitin sa 2019 elections.
Kabilang sa mga naghain ng kandidatura kahapon sina dating Interior Secretary Mar Roxas, House Deputy Speaker Pia Cayetano, dating Senador Jinggoy Estrada, Senador Bam Aquino, dating Representative Erin Tanada, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Human Rights Lawyer Chel Diokno.
Samantala, umabot naman sa 115 ang kabuuang bilang ng mga naghain ng filing ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Ilan sa mga partylist na naghain ng CONA ay ang
1-AAAP
1-AHAPO
Aambis Ona
Abakada
Agap
Agbiag
Aksyon Health Workers
Alliance for Truthful Information
Alona
Ave
Api
Amin
Anak Pawis
Ang Probinsyano
Anwaray
Ang Siguro Inc
Bahay
Consla
Dumper
Galing sa Puso
Gutom
1-Guardian Brotherhood
Inang Mahal
KMM
Kabalikat
Metro
Magsasaka
Maypagasa
Minimum Wage Earner
New Era
OFW Abroad
OFW Family Club
PNP Retirees Association Inc.
Patrol People Surge
PPP
Partidong Maggagawa
Serbisyo sa Bayan
Stop and Go
Team Philippine
Temp
Tinderong Pinoy
Tricap
TUCP
UFCC
WiFi