GOOD NEWS | Alok na murang gasolina, nakatakdang aprubahan ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang paaprubahan ngayong araw sa Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) board ang alok ng isang kompanya na mas murang gasolina.

Ayon kay Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) President Pedro Aquino Jr, nasa 50,000 metric tons o 59 milyong litro ng diesel ang alok ng isang kompaniya galing Singapore.

Sabi ni Aquino, mas mababa ang aangkating diesel ng P5 mula sa kasalukuyang pump price.


Aniya, nasa P2 bilyon ang gastos sa unang shipment, na maaari pang dagdagan depende sa storage capacity ng gobyerno.

Facebook Comments