Manila, Philippines – Ilang lugar sa Maynila ang ini-imbestigahan ngayon ng Commission on Elections dahil sa mga naitalang ghost at flying voters.
Tatlumpu’t limang araw ito bago ang barangay at SK Elections sa Mayo.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, naghain ng pahabol na reklamo si Election Lawyer Romulo Macalintal dahil sa mga nakarehistrong botante sa ilang presinto sa Maynila na hindi naman pala mga totoong residente ng lungsod.
Tumanggi namang tukuyin ni Jimenez ang mga lugar na may pending issue pa sa voters verification.
Samantala, sa April 21 tatanggap na ng certificate of candidacy ang Comelec para sa mga kakandidato sa Barangay at SK elections.
Facebook Comments