MAPAPABILIS | Mga plaka, DOTr na ang gagawa

Manila, Philippines – Simula ngayong taon, ang Department of Transportation na ang gagawa ng mga plaka gamit ang mga bagong bili nilang makina.

Ayon kay DoTr Sec. Arthur Tugade, nacalibrate na ang pitong manual embossing machines kung saan nasa 22,000 mga plaka ang kaya nitong magawa kada araw.

Umaasa naman ang ahensya na matutugunan na nito ang problema sa backlog ng mga plaka sa lto simula pa noong July 2016.


Matatandaang naantala ang pag-iisyu ng mga plaka matapos na magpalabas ng Notice of Disallowance ang Commission on Audit dahil sa ilang iregularidad sa procurement nito.

Facebook Comments