Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng kanyang gabinete na tumakbo sa susunod na halalan.
Ito ay dahil sa pagtulong nito sa government efforts na matugunan ang epekto ng bagyong Ompong.
Ayon sa Pangulo – nais niyang tumakbo sa senado sina Presidential Spokesperson Harry Roque at DPWH Secretary Mark Villar.
Pinatatakbo rin ng Pangulo bilang senador si Presidential Political Adviser Francis Tolentino.
Hinikayat din ni Duterte si PNP Chief, Director General Oscar Albayalde at dilg acting Secretary Eduardo Año na tumakbo sa Senado.
Pero pinayuhan ng Pangulo ang cabinet members na huwag gamitin ang kanilang naging papel sa typhoon Ompong response para manalo sa susunod na eleksyon.
Facebook Comments