Manila, Philippines – Pormal nang inanusyo ng Liberal Party (LP) ang kanilang tatlong kandidato sa pagkasenador.
Sa ginanap na LP meeting sa Multi-purpose Hall ng Barangay Loyola Heights, Quezon City, binasa ang National Executive Council (NECO) na inaprunahan ng partido na nageendorso kina DLSU College of Law Dean Chel Diokno, Former Deputy Speaker Erin Tañada at Senator Bam Aquino.
Sa pagpupulong, iniulat ni Senador Kiko Pangilinan, Liberal Party President ang mga hakbang na ginagawa ng Liberal Party.
Nagsasagaw ng online recruitment ang Liberal Party kung saan 8,000 myembro ang na-recruit nila.
Mas pinalawak din ang statement ng Liberal Party sa social media.
Tinalakay din sa NECO ang economic problems ng bansa kagaya ng tumataas na inflation na lumikha ng maraming nagugutom.
Gayun din ang kulang na NFA rice at maraming bilang ng walang trabaho at ang maraming biktima ng war on drugs.
May pambobomba pa rin sa kabila ng batas militar at ang isyu ng pagpupumilit na baguhin ang saligang batas.