HALALAN | Mar Roxas, nagpasalamat sa pag-endorso sa kanya ni PRRD

232

Manila, Philippines – Nagpasalamat ni dating DILG Secretary Mar Roxas sa tila pag-eendorso sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kandidatura sa pagkasenador.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na walang problema sa kanya kung iboto si Roxas.

Ayon kay Roxas – kung totoo ito ay nagpapasalamat siya.

Dagdag pa niya, tumatakbo siya sa Senado hindi bilang round 2 ng 2016, kundi para makatulong na lutasin ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino.

Si Roxas at Pangulong Duterte ay naging magkatunggali sa pagkapangulo.

Facebook Comments