NILINAW | PNP, itinangging may kaugnayan sa Sagay 9 ang pagpaslang kay Atty. Benjamin Ramos

34

Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan ang napatay na human rights lawyer sa Negros Occidental sa kaso ng Sagay massacre na ikinasawi ng siyam na magsasaka.

Ayon kay Sagay Police Chief Insp. Robert Mansueto – walang katotohanan na ang si Atty. Benjamin Ramos ang humahawak sa kaso ng mga napaslang na miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) nitong October 20.

Bumuo na rin ng special investigation task group ang Western Visayas PNP upang agad na malaman ang motibo sa pagpatay kay Ramos.

Kasabay nito, itinanggi ng mga kaanak ng mga nasawing magsasaka na kilala nila ang napaslang na abogado.

Facebook Comments