HALALAN | Matagumpay na 2018 U.S. Midterm elections, ipinagmalaki ni Trump

21

Pinuri ni U.S. President Donald Trump ang matagumpay nilang Midterm elections.

Ito ay kahit halu-halo ang resulta para sa kanyang Republican Party at nagdomina ang kalabang partidong Democrat sa House of Representatives.

Ayon kay Trump – maituturing itong na ‘defied history’ dahil kadalasang hindi nakakakuha ang ruling party ng pwesto tuwing Midterms.

Binanatan din ni Trump ang mga kanyang mga kapartido na hindi nakipagtulungan sa kampanya, na nagresulta ng kanilang pagkatalo sa halalan.

Inalok din ni Trump ang kalabang partido na makipagtulungan sa kanila para sa isang joint legislative priorities.

Facebook Comments