PBA | Alaska Aces, wagi kontra San Miguel Beermen; 96-85

40

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Alaska Aces ang San Miguel Beermen sa kanilang quarterfinals match sa PBA Governors Cup.

Tinalo ng Aces ang Beermen sa score na 96-85 kaya at maagang natapos ang kampaniya ng SMB ngayong season habang pasok na sa semis ang Alaska.

Ayon kina Aces coach Alex Compton at import nilang si Mike Harris na kumamada ng 25-points at 17-rebounds, ayaw na nilang paabutin pa ang laban sa Biyernes dahil baka masilat pa sila lalo na at maglalaro na si Beermen center June Mar Fajardo.

Facebook Comments