HALALAN | Mga kakandidato sa 2019 elections, pinaalalahanan ng Comelec

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Election (Comelec) na mayroong limang araw ang mga nais kumandidato para sa 2019 election na makapaghain ng kanilang Certificate of Candidacy o COC.

Bibigyan naman ng hanggang Nobyembre 29 na umatras ang naghain ng COC at palitan ng kaniyang kapartido o substitution of candidate.

Kapag naman nadiskwalipika o namatay ang kandidatong nakaimprinta na ang pangalan sa balota maaari siyang palitan ng sinumang kaapelyido niya.


Magsisimula ang election period sa January 13, 2019 at magtatagal hanggang June 12, 2019 kung saan iiral na rin ang gun at liquor ban.

Mula naman sa ika-12 ng Pebrero hanggang ika-11 ng Mayo ang campaign period para sa mga tatakbong senador at partylist.

Habang maaari namang mangampanya ang mga kandidato sa kongresista at iba pang posisyon mula ika-30 ng Marso hanggang ika-11 ng Mayo.

Ipinagbabawal naman ang pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo, sa bisperas at sa mismong araw ng eleksyon sa ika-13 ng Mayo.

Facebook Comments