Posibleng ituring na election hotspots ang mga lugar na tinukoy sa Memorandum Order 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senior Superintendent Benigno Durana, pasok sa pamantayan ng PNP bilang election hotspot ang mga nabanggit na lugar dahil sa malawak na presensya ng New People’s Army (NPA).
Kumikilos din aniya rito ang mga pribadong armadong grupo kung kaya at mataas ang antas ng krimen na may kinalaman sa eleksyon.
Pero nilinaw ni Durana na bagaman at may hawak na silang inisyal na listahan ng mga posibleng maging election hotspot, hindi pa nila ito maisasapubliko hangga’t hindi pa nila ito nailalatag sa Comelec o Commission on Elections at sa AFP.
Dagdag ni Durana, hindi lamang ang darating na halalan ang ugat ng pagpapalabas ng Memorandum Order ng Palasyo, dahil mas pinaghahandaan nila sa ngayon ang anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa susunod na buwan.