HALALAN | Mga napiling senador ni PRRD, iaanunsyo sa Pasko

180

Manila, Philippines – Iaanunsyo ni Pangulong Duterte sa Pasko ang kanyang mga napiling kandidato sa pagka-senador para sa 2019 midterm elections.

Inamin ni Pangulong Duterte na personal niyang ika-kampanya ang kanyang mga napiling “corrupt-free candidates” sa susunod na taon.

Sinabi ni Duterte na gagawa siya ng listahan at tiniyak sa publiko na pipiliin niyang mabuti ang mga kandidato na mapagkakatiwalaan.

Ayon pa sa Pangulo, ang tanging requirement lamang niya sa isang kandidato ay tapat at competent na public servant.

Siniguro pa ni Pangulong Duterte sa mga kandidato na patuloy ang kanyang suportang ibibigay hanggang sa maupo ang mga ito sa pwesto huwag lamang aniyang magkakamali na masangkot ang mga ito sa katiwalian.

Facebook Comments