HINIMOK | Mga yumaong mahal sa buhay sana’y maging mabuting ehemplo – PRRD

34

Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na bigyang karangalan ang mga Pilipinong o ating mga mahal sa buhay na nauna na sa atin at kapiling na ng Panginoon.

Sa mensahe ni Pangulong Duterte para sa All Souls Day at All Saints Day ay sinabi ng Pangulo na sinasalubong ng mga Pilipino ang buwan ng Nobyembre sa pag-alala sa ating mga mahal sa buhay na nag-iwan ng aral at pagmamahal sa puso ng bawat isa.

Ang iniwan aniyang ala-ala ng mga yumao ay mahalaga dahil ang mga ito ay bahagi na ng ating pagkatao at sana ay maging mabuting halimbawa o ehemplo para sa lahat.

Sinabi din ng Pangulo na dapat ay alalahanin ang mga Santo at ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga yumao at palalimin pa ang ating pakikipagtulungan sa ating mga komunidad patungo sa totoo at pangmatagalang pagbabago.

Facebook Comments