Manila, Philippines – Nagkasundo ang mga senador sa pamamagitan ng caucus na ibasura ang anumang tangka na kanselahin o ipagpaliban ang 2019 elections.
Maliban rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na nagkasundo rin ang mayorya at minorya na huwag madaliin ang charter change o cha-cha.
Pero nagkaisa aniya sila na dapat ituloy ng Senate Committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Senador Chiz Escudero ang pagdinig sa cha-cha.
Aminado naman si Majority Leader Migz Zubiri, na magiging mahaba ang debate sa committee level at plenaryo dahil maraming senador ang ayaw sa cha-cha at sa panukalang pagpapalit ng porma ng pamahalaan patungong pederalismo.
Facebook Comments