HALALAN | Midterm election tiniyak na magiging malinis – PRRD

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging malinis ang darating na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon na gaganapin naman sa susunod na taon.

Ayon kay Pangulong Duterte, ngayong papalapit na ang halalan at habang nakaupo siya bilang Pangulo ng bansa ay kailangang maging malinis ang halalan para sa oposisyon, pasa sa kanyang mga kaalyado at lalong lalo na para sa mamamayan.

Paliwanag ni Pangulong Duterte hindi siya makapapayag na magkaroon ng anomang uri ng dayaan sa halalan at ipaglalaban niya ito.


Kaya naman inatasan ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin na walang mangyayaring dayaan sa 2019 midterm elections.

Samantala sinabi din naman ni Pangulong Duterte na ipagbabawal na niya sa mga mayor sa buong bansa at mga pulis na magdala ng mga armalite o mga assault weapons at lilimitahan din ni Pangulong Duterte ng hanggang dalawang security lang ang ibibigay sa mga local chief executives.

Pero kung hindi aniya susunod ay haharapin ng mga ito ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments