Manila, Philippines – Hanggang ngayong araw na lamang ang paghahain ng kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ito ay matapos palawigin ng COMELEC ng isang araw ang paghahain ng kandidatura para sa mga tatakbo sa halalan sa May 14.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, hanggang mamayang alas singko ng lamang ang filing ng candidacy para sa mga hahabol maghain ng Certificate of Candidacies (COC).
Kinumpirma naman ni Guanzon na masyadong mababa ang turn-out ng mga kumandidato para sa SK Elections.
Sa katunayan aniya, may mga lugar na walang tumakbo para sa SK at may mga lugar na walang kalaban ang mga kandidato.
Dahil dito, minarapat ng COMELEC na palawigin ng isa pang araw ang paghahain ng COCs hanggang ngayong araw.