HALALAN | Pagsala sa mga kakandidato sa pagka-senador sa 2019 elections, sinimulan na

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsala sa bilang ng senatorial aspirants para sa May 2019 midterm elections.

Aabot sa kabuoang 152 indibidwal ang naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa pagka-senador mula noong October 11 hanggang 17.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – inaasahang higit 100 ang madidiskwalipika.


Aniya, inatasan ng poll body ang kanilang law department na maghain ng *motuproprio* petitions para sa ideklarang ‘nuisance’ ang isang kandidato.

Iginiit ni Guanzon na kailangang may mailabas silang opisyal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre.

Facebook Comments