PBA | Columbian Dyip, nalasap ang unang panalo; 100-84

Nakatikim na rin ng panalo sa unang pagkakataon ang Columbian Dyip matapos ang mahigit dalawang taon.

Tinalo ng Dyip ang Rain or Shine Elasto Painters sa score na 100-84,
sa kanilang naging laban sa 2018 PBA Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Nanguna sa panalo ang kanilang import na si Akeen Wright na may 23-points kung saan nag-ambag naman si Jerramy King ng 18-points.


Dahil dito, natuldukan ng Dyip ang nine-game skid ang kanilang naitala ang 1-9 win/loss record.

Mamayang ala-una naman ng hapon ay mapapanood ang Radyoman Manila Bonding Basketball Mini-Tournament 2018 sa Pembo Gym, Makati.

Unang maghaharap ang DZXL Radyoman at Gentle Hands Holistic Wellness, na susundan ng DWWW/iFM Radyoman laban sa Lunas Kalusugan.

Facebook Comments