HALALAN | Pangangampanya sa social media, hindi hihigpitan ng Comelec

Manila, Philippines – Hindi umano paghihigpitan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na mangampanya sa pamamagitan ng social media lalo na at libre lang ito.

Ito ang inihayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez kasunod ng pahayag na rerebisahin nila ang panuntunan sa pangangampaanya sa radyo at telebisyon ng mga kakandidato sa 2016 elections.

Ayon kay Jimenez, kasama ito sa mga rerepasuhin nila sa Implementing Rules and Regulations (IRR).


Pero sinabi ng opisyal na kung gagamit ng pera ang mga kandidato sa social media campaign ay dapat na malaman ito sa komisyon.

Base sa panuntunan ng poll body, may 120-minutes na political advertisements ng mga kandidato sa telebisyon at 180-minutes sa radyo.

Naniniwala ang tagapagsalita ng Comelec na malalatag ng mga kandidato ang kanilang mga plano at plataporma sa airtime na dati na rin nilang ipinatupad noong 2016 elections.

Facebook Comments