Mga Bayani- Pagsasalarawan sa Bumalik na 45th IB

Sila ay mga bayani. Ito ang pagsasalarawan ni 5ID Commanding General MGen Perfecto Rimando Jr. sa mga kasapi ng 45th Infantry Battalion na lumapag kaninang hapon sa Tactical Operations Group 2 – Philippine Air Force, Cauayan City, Isabela.

Ito ay kasabay ng mainit at madamdaming pagsalubong sa naunang 75 na kasapi ng naturang batalyon ng army na naunang nadestino sa mga lugar sa Mindanao mula noong 2010. Ang naturang batalyon ay babalik sa dati nilang yunit na 5ID matapos ang halos isang dekada sa naturang bahagi ng bansa.

Magugunita na kasama ng 45th IB sa mga ipinadalang yunit sa Mindanao halos isang dekada na ang nakakalipas upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa naturang lugar.


Sinabi ni MGen Rimando na ang naturang batalyon ay isasailalim muna sa 60 araw na pagsasanay at reorientasyon bago sila sumabak sa bagong misyon dito sa Hilagang Luzon.

Sa pananatili ng 45th IB sa Mindanao ay namatayan sila ng sampun, nasugatan ang apat nilang opisyal at mahigit pang 20 na enlisted personnel.

Makikita naman ang tuwa sa mga mata ng mga kapamilya ng ilan sa mga dumating na sundalo nang masilayan ang kanbilang kaanak na dumating kaninang hapon sa lungsod ng Cauayan.

Inihahanda naman ng 5ID ang pormal na pagtanggap sa 45th IB sa mga darating na araw.

Facebook Comments