HALALAN | Panukala ng DILG na idiskwalipika sa elections ang mga kandidatong nasa narco list, pag-aaralan

Manila, Philippines – Pag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang panukala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na idiskwalipika sa 2019 elections ang mga kandidatong nasa narco list.

Ayon kay Comelec Chairperson Sheriff Abas, isinama na nila sa agenda at en banc ang naturang isyu kung saan ini-refer na nila ito sa kanilang law department.

Nakatanggap din umano si Abas ng sulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parehong posisyon kung saan iginiit nito na dapat ay may balance kung susundin nila ang mungkahi ng DILG at PDEA.


Dapat din daw may due process sa pagdiskwalipika sa mga kandidato dahil hindi nila agad basta-basta tatanggalin sa eleksyon ang nasa narco list.

Facebook Comments