Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 8 mula May 14, 2018. Sa ilalim ng house bill 7378 na inihain nina Representatives Reynaldo Umali, Johnny Ty Pimentel, Jose Panganiban Jr. at Edgar Sarmiento, isasagawa ang sunod ng Barangay at SK elections sa ikalawang Lunes ng October 2021 at pagkatapos ay kada tatlong taon. Matapos ang pagka-apruba sa ikalawang pagbasa, ikakalendaryo na ang bill sa ikatlo at pinal na pagbasa pagkatapos ay pagbobotohan sa plenaryo ng Kamara. Kapag naaprubahan ay saka ito isusumite sa Senado. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments