Bubuo ng special operations task group ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda para sa 2019 midterm elections.
Kabilang sa mga tututukan ng pambansang pulisya ay halos 900 munisipalidad at syudad na nasa ilalim ng PNP election watchlist.
Karamihan aniya sa mga hotspots ay matatagpuan sa ARMM, Region 7 at 8.
Sa Metro Manila, nasa siyam na siyudad ang kabilang sa watchlist.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – layunin nitong aksyunan ang mga election issues lalo na ang harassment at violence cases.
Pinapayuhan naman ni Albayalde ang kanyang mga tauhan na magkaroon ng mabusising imbestigasyon sa mga PNP personnel na may mga kamag-anak na tatakbo sa midterm elections.
Aarangkada ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa darating na October 11 hanggang 17.
Inaasahan ng PNP na magiging maayos at payapa ang halalan.