TAAS-PRESYO | Ika-9 na linggong taas singil sa petrolyo, epektibo na ngayong araw

33

Manila, Philippines – Magkakaroon ng dagdag-singil sa presyo ng mga produkto petrolyo ngayong araw.

Nasa P1.45 ang dagdag sa kada litro ng diesel, P1 sa kada litro ng gasolina at P1.35 sa kada litro ng kerosene ang ipapatupad ng Shell, Caltex, Flying V, Petron, at SeaOil.

Maliban sa kerosene, parehong halaga rin ang dagdag-singil na ipatutupad ng Petro Gazz, Total, Jet Ti Pump at PTT Philippines sa kanilang diesel at gasolina.

Facebook Comments