HALALAN | QC Vice Mayor Joy Belmonte, pormal nang naghain ng kaniyang COC

Quezon City – Tatakbo si Belmonte sa pagka-alkalde sa May 13 local at national elections sa ilalim na Partidong Serbisyo sa Bayan na nakipag-alyado sa Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sarah Duterte.

Sinamahan si Belmonte ng kaniyang ama na si dating House Speaker Sonny Belmonte at ng kapatid na si Kit Belmonte na nakapag-file na rin ng COC bilang congressman ng 6th district ng Quezon City.

Nag-file rin ng COC ang kaniyang running mate na si Councilor Gian Carlo Sotto na sinamahan ng kaniyang ama na si Senate President Tito Sotto.


Bagaman at aminado si dating House Speaker Belmonte na madumi at magulo ang susunod na halalan, itinuturing na lamang nila ito na bahagi ng excitement ng pulitika .

Wala pa namang pahiwatig mula sa kampo ni Vincent “Bingbong” Crisologo kung kailan siya maghahain ng kandidatura.

Facebook Comments