Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na matutuloy ang May 9 elections sa kabila ng banta ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, hindi nila maaaring i-suspendi ang halalan kahit anong mangyari.
Sinabi naman ni COMELEC Commissioner Rey Bulay na mayroon naman silang mga contingency measure katuwang ang iba’t ibang departamento at ahensya na responsable sa pagkontrol ng COVID-19 at mga bagong sub-variant nito.
Nauna nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na maaaring tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Mayo kung saan ang Metro Manila ay posibleng makapagtala ng halos kalahating milyong aktibong kaso kung babalewalain ang mga health protocols.
Facebook Comments