Halalan sa Santiago City, Payapa sa Kabuuan!

Santiago City- Payapa at walang karahasan ang katatapos na halalan sa Lungsod ng Santiago kung kaya’t maayos na nakaboto ang mga Santiaguenos.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay P/Major Rolando L. Gatan ng Santiago City Police Office, kanyang sinabi na payapa at walang naitalang kahit anong election related incident sa lungsod.

Bagamat may mga problema sa teknikal tulad ng hindi gumagang Vote Counting Machine (VCM) sa mga barangay ng Nabbuan , Naggasican, Buenavista, Mabini at Luna.


Ang Santiago City ay isa sa may pinakamaraming rehistradong botante kaya’t mahigpit na ipinatupad ng kapulisan ang pagbantay sa seguridad ng mga Santiaguenos.

Nagpapasalamat naman si P/Major Gatan sa pakikiisa ng taumbayan sa mga kapulisan sa katatapos na 2019 Midterm Elections.

Facebook Comments