HALALAN | Sistema ng eleksyon, hindi pa rin paborable sa mga guro ayon sa Teacher’s Dignity Coalition

Manila, Philippines – Bagamat itinuturing na maayos at mapayapa ang naging pagdaraos ng Barangay at SK Elections, hindi pa rin paborable sa mga guro ang kabuuang proseso ng eleksyon.

Ito ang naging pagtaya ng Teacher’s Dignity Coalition.

Ayon kay Benjo Basas, taga-pangulo ng TDC, nag do-doble ang trabaho ng mga public school teachers na nagsilbing Board of Elections Inspectors (BEI) dahil sa manual voting at ang pangangailangan ng pag-iisa sa presinto kung saan boboto ang mga botante.


Mas mabigat din aniya ang mental at physical pressure ng mga BEI na nasa mga lugar na isinasailalim sa ‘areas of immediate concerns’ at itinuturing na ‘election hotspot.’

Hihilungin ng grupo na magkaroon ng dialogo sa Commission on Elections (COMELEC) para maiayos ang sistema ng pagsasagawa ng mga susunod na halalan.

Inaasahan din na kasama sa kanilang agenda ang ‘honorarium’ ng mga BEI na pahirapan umanong makuha maliban pa sa buwis na ikakaltas dito.

Facebook Comments