NAGKAISA | Unity Walk, isinagawa ng mga opisyal at kawani ng CHED sa UP kanina

21

Manila, Philippines – Sama samang naglakad kanina sa isang unity walk ang mga opisyal at kawani ng Commission on Higher Education (CHED) na bahagi ng kanilang selebrasyon sa ika 24 taong anibersaryo.

Ayon kay Juan Puriran Jr., pangulo ng Ched employees union, ang unity walk na pinangunahan ni CHED acting Chairman Prospero de Vera III ay layong isulong ang health and wellness ng mga empleyado at opisyal ng ahensya.

Sinamantala nila ang pagkakataon ng selebrasyon para magsama-sama ang mga opisyal at empleyado sa isang aktibidad.

Ang unity walk ay nagsimula sa compound ng CHED at inikot ang loob ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) maaga pa lamang kanina.

Sinabi pa ni Puriran, marami pang aktibidad ang inaasahang masaksihan sa loob ng CHED sa loob ng isang linggong selebrasyon.

Facebook Comments