HALALAN | Smartmatic, hindi na dapat gawing election service provider sa 2019 elections – NAMFREL

Manila, Philippines – Naniniwala ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) na huwag nang kunin ng Commission on Elections (COMELEC) ang Smartmatic bilang technology provider ng 2019 elections.

Ayon kay NAMFREL Chairman Gus Lagman, ang mga Vote Counting Machine (VCM) ng Smartmatic ay kulang sa ‘transparency’.

Dagdag pa ni Lagman, posible rin nagamit ang mga VCM sa pandaraya sa mga nagdaang eleksyon.


Mungkahi ng NAMFREL, ang COMELEC ay dapat magkaroon ng ‘hybrid’ voting system.

Sa ilalim nito, ang botohan at pagbibilang ay magiging manu-mano habang ang transmission at canvassing ng election results ay gagawing electronically.

Facebook Comments