SISIGURADUHIN | Higit isang milyong regular na manggagawa, target ng DOLE sa 2022

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ma-regularize ang nasa 1.2 milyong manggagawa pagdating ng 2022.

Ito ay sa kabila ng kawalan ng bagong batas o government policy na nagbabawal ng contractualization.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ngayong taon ay target nila ang 300,000 manggagawa para sa regularization.


Aniya, kapag 300,000 manggagawa kada taon ang mare-regular sa trabaho sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay posibleng pumalo ito ng higit isang milyon.

Sa huling datos ng DOLE, aabot pa lang sa halos 81,000 manggagawa ang regularized ngayong taon.

Facebook Comments