HALALAN | Top 3 na pambato ng PDP-Laban sa 2019 senatorial elections, alamin!

887

Manila, Philippines – Nangunguna sina Senador Koko Pimentel III, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Special Assistant to the President Bong Go bilang pambato ng PDP-Laban sa senatorial slate nito para sa 2019 Midterm Elections.

Base sa isinagawang party survey kasabay ng ginanap na leadership assembly sa Pasay City, nakakuha si Pimentel ng 175 votes.

Si Mayor Sara Duterte ay pumangalawa na may 155 votes, kasunod si Go na may 153 votes.

Ang survey ay isinagawa sa 184 respondents na kinabibilangan ng national officers ng partido, national government officials, miyembro ng kongreso, local government officials at party leaders na kumakatawan sa pribadong sektor.

Ang mga respondents ay pumili sa listahan ng 24 na senatorial aspirants, na binubuo ng PDP-Laban officials, kaalyado ng partido at re-electionist senators.

Facebook Comments