Iligan City – Walang na-identify o dineklara na election hot spots sa Iligan City, ayon kay Police Senior Superintendent Leony Roy Ga, hepe ng Iligan City Police Office.
Ngunit mino-monitor nila aniya ang presensiya ng New People’s Army (NPA) lalo na sa Barangay Rogongon, isang hinterland na barangay sa may boundary ng probinsiya ng Bukidnon.
Ayon kay Ga, kasama din sa mino-monitor ang ‘vote buying’ at ‘illegal campaigning’ ng mga kandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ngunit kahit paman aniya na mino-monitor nila ang presensiya ng npa, wala silang natanggap na report tungkol sa paghingi ng ‘revolutionary tax’ o ‘campaign tax’ o kaya ay pangungutong ng mga rebelde.
May 1,171 ang nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) dito sa lungsod para sa posisyon ng barangay chairman at kagawad habang 666 para sa SK positions.
Ang Iligan City ay mayroong 44 na barangay na may 171,712 registered voters para sa barangay elections habang 55,833 ang SK voters o ang mga may edad 15 hanggang 30 years old.