Halfway House, Handang Ipamahagi ng PLGU Isabela sa mga Former Rebels

Cauayan City, Isabela- Kapansin-pansin ang pagiging elegante ng halos patapos ng itinayong bahay ng mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan na handang-handa ng ipamahagi ng Provincial Government ng Isabela sa pamumuno ni Governor Rodito Albano III.

Bahagi ng kampanya ng pamahalaan sa ilalim ng EO70 ang konstruksyon ng mga bahay partikular na mapapabilang ang mga dating kasapi ng rebelde sa Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na siyang tututok sa Pangkabuhayan, Edukasyon, Pagsasanay at Pabahay.

Una nang nagpamahagi ng tulong pinansyal ang Provincial Government sa mga dating kasapi ng rebelde gayundin ang pansamantalang tirahan ng mga ito habang hinihintay naman na maiproseso ang igagawad na pabahay ng National Housing Authority (NHA) na umaabot sa kalahating milyon (P500,000.00)


Sa isang pahayag, sinabi ng Gobernador na bukas ang pintuan ng kapitolyo sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan at sa mga nais pang ituwid ang kanilang maling nakagisnan na kasama ang mga NPA.

Ayon pa sa kanya, handa rin na mag-alok ng trabaho ang kapitolyo para sa mga ito para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng 95th Salaknib Infantry Battalion sa Provincial Government sa suporta sa mga dating rebelde gayundin sa ibang mga ahensya at pribadong sektor para paunlarin ang antas ng kabuhayan ng mga ito.

Facebook Comments