Halloween Decor na Gawa sa Recycled Materials

IMAGE: UNORIGINAL MOM

Ngayong buwan na naman ng katatakutan ay kaliwa’t kanang halloween party ang maglalabasan. Kaya’t  mayroon kaming inihandang DIY Halloween Décor Ideas na ibabahagi sa inyo. Kung naghahanap ka ng mga pwedeng set design sa party niyo? Maidadagdag mo ang mga patapong paper bags, tin cans, mga old mason jars, o anumang jugs bilang isang halloween craft para sa set-up ng stage ninyo! Ano pa ang hinihintay niyo, halina’t alamin ang mga sikreto para mabigyan ng tunay na halloween feels ang party ninyo.

PAPER BAG LIGHTS

IMAGE: UNORIGINAL MOM

                        

Hindi na bago ang mga ganitong klaseng dekorasyon ngayong Nobyembre. Pero ang “PAPER BAG LIGHTS” ay isa sa mga pinakamura at pinakamadaling paraan para bigyan ilaw ang tahanan o

ang isang lugar. Maari kang gumupit o maglagay ng sarili mong disenyo sa paper bags o maaring gumamit ng stencils o cut out ng mga patterns at letters. Lagyan ng pampa-ilaw ang loob ng paper

bags at puwedeng puwede na itong ilagay bilang dekorasyon sa daan. Kaya’t ang mga paper bags na itinabi mo mula grocery o department stores ay magagamit mo pa para sa halloween!

 

TIN CAN LIGHTS

 

IMAGE FROM: OULALIE

Ang Tin Can Lights ay di hamak na matibay. Kaya nitong magtagal ng ilang taon. Ang kailangan lamang para dito ay malalaking lata ng gatas, malaking pako, pintura, at martilyo. Dahil maaring masira ang porma ng lata sa paghampas ng martilyo, mas magandang lagyan ng tubig ang lata tsaka patigasin sa refrigerator. Kapag nagyelo na ito, maari mo ng ilagay ang mga pattern na gusto mong ilagay sa lata. Maari mo na ring simulang butasin ang mga pattern na iyong inilagay na parang connect the dot.

Pagkatapos, tunawin ang yelo at patuyuin ang lata. Maari mo nang ilagaya ang pinturang iyong natipuhan. Maari ka ring maglagay ng dalawang butas sa magkabilang gilid ng lata na maaring mapaglagyan ng mga wire kung nais mo itong isabit.

 

 

Facebook Comments