HALLOWEEN PARTY | 19 na Pinoy na inaresto sa Saudi Arabia, hawak na ng Embahada ng Pilipinas

Nasa pangangalaga na ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto ang 19 na Pinoy na una nang hinuli matapos magsagawa ng Halloween party.

Ayon sa DFA, alas 6:20 Miyekrules ng gabi (Philippine time) nang palayain ng Saudi Arabian authorities ang 19 na mga Pinoy.

Matatandaang inaresto ang mga ito noong Biyernes dahil ipinagbabawal sa naturang bansa ang mga pagtitipon sa publiko na may kaugnayan sa mga non-Islamic events.


Muli namang nagpaalala ang DFA sa mga Filipino sa ibang bansa na alamin at maging sensitibo sa kultura ng mga ito.

Facebook Comments