Halos ₱2 trillion na halaga ng infrastructure projects, naipatupad na ng DPWH

Umabot na sa halos ₱2 trilyong halaga ng infrastructure projects ang naipatupad ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa interview ng RMN-Manila, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, malaki ang inilaang budget ng pamahalaan para sa Build Build Build Program.

Sakop nito ang ilang big ticket projects kabilang ang pagpapatayo ng mga kalsada para sa mga magsasaka, transportation hubs at para sa tourism sites.


May mga proyekto ring inilaan para sa flood control.

Kabilang sa mga proyekto ng DPWH ay ang Panguil Bay Bridge, na ikinokonsiderang pinakamahabang tulay sa bansa na may halos apat na kilometrong haba.

May mga itinatayo rin silang coastal road sa Cagayan de Oro at Davao para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Sa ngayon, natapos na ang konstruksyon ng Cagayan de Oro coastal road pero patuloy na isinasagawa ang extension nito.

Kasalukuyan din itinatayo ang Metro Cebu Expressway na layong mabawasan ang mabigat at trapiko sa Cebu at kabilang ito sa prayoridad nilang proyekto.

Ipinagmalaki rin ng kalihim ang master plan para mapalawak at mapabaha ang road network sa Zamboanga Peninsula, ito ay sa ilalim ng Mindanao Road Development Network.

Facebook Comments