Halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa Mangaldan kung saan naaresto ang isang 21 anyos na lalaki na kabilang sa Regional Priority Target o High-Value Individual, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office.
Sa operasyon na isinagawa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) sa koordinasyon ng PDEA-Region 1, narekober ang tinatayang 70 gramo ng ilegal na droga na may halagang humigit-kumulang ₱476,000, kasama ang iba pang ebidensya.
Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga nakuhang item sa lugar ng insidente, saksi ang mga mandatory witnesses at ang suspek, alinsunod sa legal na proseso.
Tiniyak ng Pangasinan PNP na magpapatuloy ang kanilang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, partikular sa pagtugis sa mga high-value targets sa lalawigan.







