HALOS 1.5 MILYONG PISO NA AYUDA PARA SA MGA ONION GROWERS NA NAAPEKTUHAN NG HARABAS, NAIPAMAHAGI SA BAYAMBANG

Pumalo na sa halos 1.5 million pesos na ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa mga magsasaka ng sibuyas na naapektuhan ng army worm o harabas ang kanilang taniman noong nakaraang taon na lubhang naapektuhan ng pamemeste.

Aabot naman sa 686 na mga onion growers ng bayan mula sa 26 na barangay ang nabigyan na ng cash assistance makaraang masalanta ang kanilang taniman ng peste.
Umabot naman din sa 1,500 na ektaryang taniman ng mga onion growers ang naapektuhan ng peste.

Nakatanggap ang mga magsasaka na aabot sa tig sampung libo piso ang bawat benepisyaryo na magsasaka na depende sa pinsala ng kanilang taniman.


Nakatakda din namang mabibigyan ng ayuda ang mga magsasaka mula sa natitirang 30 barangay ng bayan na naapektuhan din ng harabas.

Mababatid na nagdeklara noong nakaraang taon ang Bayambang ng state of calamity dahil sa pananalasa ng harabas sa mga pananim kung saan marami ang nalugi mula sa animnaput anim na barangay.

Facebook Comments