Aabot sa 1.6 billion pesos ang mawawala sa Social Security System kung tuluyang ipasasara ang mga minahan sa bansa.
Ito ang ibinunyag ng Philippine Mine Safety and Environment Association matapos magdesisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipasara ang 23 mining companies sa bansa.
Sinabi ni Louie Sarmiento, pangulo ng mga responsible mining companies, malaki ang inilagay na investment ng sss sa Philex Mining Corporation na pag-aari ni Manny Pangilinan.
Ayon pa kay Sarmiento, kasama ang silangan Mindanao Mining Company na pag-aari ng Philex mining na nasa Surigao Del Norte ang ipinasara ng DENR.
Una rito, sinimulan ng SSS ang pagbibigay ng dagdag na 1 libong piso sa pensyon ng mga retiradong manggagawa kung saan kukunin ito sa mga investment ng ahensya tulad ng mga minahan.
Sinabi ni Sarmiento, kung tuluyang isasara ang mga minahan, malaking kawalan ang 1.6 billion pesos sa kita ng SSS at tiyak mamomroblema ang gobyerno sa ipinagkakaloob na pensyon sa mga nagretirong empleyado.