Senator Cayetano, itnuro ang mga drug lords na siyang nagpopondo sa mga hakbang para pabagsakin ang Duterte administration

16

Itinuro ni Senator Alan Peter Cayetano ang mga drug lords na siyang nagpopondo sa mga hakbang para pabagsakin ang Duterte administration.

 

Ayon kay Cayetano, ang nabanggit na destabilization efforts ang nakikitang paraan ng mga drug lords para maharang ang war on drugs na ikinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte na labis ng nakakaapekto sa kanila.

 

Kabilang aniya sa mga ginagastusan ng mga drug lords ay ang mga rally laban kay Pangulong Duterte na nagsimula pa noong panahon ng kampanya.

 

Sabi ni Cayetano, ang nasabing hakbang ay kaugnay sa layunin ng mga drug lords na maipagpatuloy nila ang kanilang negosyo ng pagbebenta ng illegal drugs sa buong bansa.

Facebook Comments