Halos 1-M Indibidwal sa Isabela, Naturukan ng First Dose; Bilang ng Fully Vaccinated, Higit 500K

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 554,817 indibidwal ang nakatanggap ng second dose ng bakuna kontra COVID-19 sa Isabela.

Nasa 915,404 indibidwal naman ang naturukan ng unang dose o 82.8% mula sa 70% na target population.

Batay sa datos, umaabot na sa 167.1% mula sa A4 priority groups o essentials workers ang pinakamataas na porsyento ng mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.


Habang 102.5% naman ang mga bakunado mula sa A3 priority groups o Persons with Comorbidities.

Kaugnay nito, 100% na ang mga bakunado sa hanay ng healthcare workers habang 85.5% ng senior citizen ang nakatanggap palang ng bakuna at 70.5% naman ang bakunado sa indigent sector.

Samantala,umabot naman sa 172,605 ang nakatanggap ng bakuna sa rest of adult population (ROAP) at 143,721 naman ang bakunado sa rest of pediatric population (ROPP) habang 5,044 naman ang naturukan sa hanay ng Pediatric A3.

Patuloy naman ang paghimok ng health authorities sa publiko na magpabakuna para makaiwas sa severe COVID-19.

Facebook Comments